Ito Ang Pangako Ko
Napakalawak pala naman talaga ng mundo.
Hindi ko masabi kung anong nararamdaman ko: masaya ako na natatakot, nais kong manatiling tahimik ngunit gusto rin namang sumigaw. Kagabi, natutunan ko na napakaraming posibilidad na maaring mangyari sa buhay ko, sa buhay ng isang tao, na napakaraming bagay na kaya kong magampanan kung buksan ko lamang ang aking isipan.
Hindi lamang lalaki ang huling hantungan ng buhay ng isang babae - ang daming kailangang baguhin sa mundo, ang dami nating dapat gawin para mapabuti ang magiging tahanan ng ating mga anak at mga apo. Matagal ko nang hindi nararamdaman ang ganitong klaseng idealismo. Nakakapuno siya ng pagkatao, parang sinisindihan ng ilaw ng Diyos ang bawat sulok ng iyong katawan. Totoo nga pala na ang tunay na kasiyahan ay nagmumula sa ating sarili. Ika nga ng aking kaibigan, "When I'm 60, I want to look back on my younger years with fondness. I want to be able to say, I lived a good life, and I did the best that I could."
Magiging buo ako. Magiging tunay na tao ako. Babaguhin ko ang mundo.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home