Huwag Kang Magtataka
# 1
Eto, mga kapatid: tuwing nais kong ichika ang tungkol sa mga taong kinahihiligan ko, gagamit na lang ako ng wikang Filipino. Karaniwan naman ay ang mga nagiging type ko ay hindi pinoy o di kaya'y pinoy nga pero di naman lubos na nakakaintindi ng pilipino (oo, type ko ang mga estranghero), kaya mas akma na hindi ako gumamit ng Ingles tuwing pinag-uusapan sila dito. Sa ganitong paraan, mapapangalagaan ko ang pride ko, at mas marami akong maibabahaging kabaliwan at kung anu-ano pa na hindi nasisira ang poise ko sa kanilang paningin.
Alam ninyo naman na loka-loka ako kaya ok lang na magmukhang baliw ako sa inyo!
# 2
Ginagawa ko ito dahil sa isang nangungutsilyong gumagawa ng laruan. Darating sya dito sa susunod na linggo, yehey!
Hindi ko namamalayan na binabasa na pala niya ang blog ko, at sekretong nangigigil sa mga ka-churvahang pinagsusulat ko tungkol sa kanya. Napahiya ako ng husto noong sinabi niya na huwag ko daw siyang pagtawanan sa blog ko, at wala syang oras ayusin ang mga punctuation marks niya. Kinilig ako na ewan: una, dahil nagsulat sya sa akin (ulit), at pangalawa, na sinabi niya sa email na iyon na nagagalingan siya sa aking paraan ng pagsulat.
Kung baga sa isang pelikula, turning point na ito: ngayon alam na nya na-cras ko siya.
Ano na ang mangyayari? Maaring malapit na kami magkita ulit. Abangan!
# 3
At ito naman ay tungkol sa isang taong hindi ko maintidihan: napapaginipan ko siya lagi, at sa lahat ng mga panaginip ko, hinuhugasan niya ang paa ko na gamit ang kanyang buhok.
Sa opinyon ng isang dream intepreter ko na kaibigan, ang paningin ko sa taong ito ay parang syang isang Mary Magdalene. Nangugulila siya para sa Diyos, marami syang kasalanan ngunit gusto niyang magbago.
Sa lahat ng panaginip ko na nakikita ko sya, hindi niya ako kinakausap. Nakatingin lang siya sa akin palagi, na parang mayroon siyang gustong sabihin na hindi niya magawa.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home